Followers

Friday, November 12, 2010

inspired sya

Pagtingin ko sa bintana
Saka ko lamang nakita
Sumikat na pala ang araw
Bago pa man ako makababa.

Kay aga ko ‘ata nagsimula
Gising na ako’t ang iba’y tulog pa
Masarap na nananaginip
Habang ako ay abala.

Ako’y lulan ng tren na ito
Tahimik ngunit matulin ang takbo
Sa palagay ko’y ako pa lamang
Ang nag-iisa nitong pasahero.

Ako’y tangay ng tren na ito
Bawal umatras, dapat deretso
Sa aking palagay ay ‘di na
Ito kailanman hihinto.

Minsan na akong nahuli
‘Di kinaya ang pagmamadali
Noo’y nadapa at napag-iwanan
Nang ako’y mawala sa sarili.

Pagsapit ng hapon ako uuwi
Habang ang iba’y abala, ako hindi
‘Pagkat sa tren ako muli sasakay
Baon ang isang matamis na ngiti.


No comments:

Post a Comment